Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2019

Meycauayan River: Ang Kasalukuyang Kalagayan

Ang mga ilog ang naging sentro ng pamumuhay sa ating kasaysayan. Ang ilog ang nagsilbing taga-bigay ng pagkain, nagpapataba ng lupa at nagsisilbing ruta ng mga bangka upang makapunta sa ibang nayon o lugar. Ngunit sa pagdating ng panahon ilan sa mga ilog sa mundo ay naging marumi. Mapapansin natin na karamihan sa mga ilog ngayong araw ay punong-puno ng basura dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao. Isa sa mga maruming ilog ngayon ay ang Meycauayan River na bahagi ng Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS). Kilala ang lungsod ng Meycauayan sa mga produkto nilang ginto, alahas, leather at sapatos. Ang bilang ng populasyon sa lungsod na ito noong taong 2015 ayon sa Philippine Statistics Office (PSA) ay 209,083. Itinuring na "biologically dead" ng Department of Environment and Natural resources (DENR) ang ilog dahil sa mga chemical tulad ng Mercury at Lead na matatagpuan dito. Noong araw maaari pa raw kumuha ng mga pagkaing isda ang mga residenteng nakatira malapi