Skip to main content

Meycauayan River: Ang Kasalukuyang Kalagayan

Ang mga ilog ang naging sentro ng pamumuhay sa ating kasaysayan. Ang ilog ang nagsilbing taga-bigay ng pagkain, nagpapataba ng lupa at nagsisilbing ruta ng mga bangka upang makapunta sa ibang nayon o lugar. Ngunit sa pagdating ng panahon ilan sa mga ilog sa mundo ay naging marumi.

Mapapansin natin na karamihan sa mga ilog ngayong araw ay punong-puno ng basura dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao. Isa sa mga maruming ilog ngayon ay ang Meycauayan River na bahagi ng Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS).

Kilala ang lungsod ng Meycauayan sa mga produkto nilang ginto, alahas, leather at sapatos. Ang bilang ng populasyon sa lungsod na ito noong taong 2015 ayon sa Philippine Statistics Office (PSA) ay 209,083.

Itinuring na "biologically dead" ng Department of Environment and
Natural resources (DENR) ang ilog dahil sa mga chemical tulad ng Mercury at Lead na matatagpuan dito. Noong araw maaari pa raw kumuha ng mga pagkaing isda ang mga residenteng nakatira malapit dito ngunit sa paglipas ng panahon dahil sa mga kawalan ng disiplina ng tao, ito ay naging marumi.

Kabilang sa 30 dirtiest river in the world ang Meycauayan river ayon sa Black Smith noong 2007. Tinatayang 2.5% ng tubig sa ating daigsig ay freshwater at 1% lamang dito ang madaling makuha. Marami na ring isinagawang rehabilitation program sa Meycauayan River ang lokal na pamahalaan ng Bulacan at lungsod ng Meycauayan ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ito naging matagumpay. Ngayong taon lamang ng 2019 mayroong 15 na pabrika ang ipinasara ng Meycauayan Government dahil sa hindi wastong pag discharge ng waste water sa ilog.

Ang mga bangkero at mga naninirahan sa Brgy. Liputan na sakop ng lungsod ng Meycauayan ay lubhang naapektuhan. Noong panahon ay madali lang makakuha ng mga yamang tubig dito ngunit ngayon lumipat na ang ilang bangkero sa Manila Bay sa parte ng Navotas upang mangisda. Ang Brgy. Liputan ay napalilibutan ng tubig at dahil dito itinuturing ng mga residente bilang isla ang lugar na ito. Tanging bangka lamang paraan ng transportasyon tungo sa Brgy. Poblacion sa daungan ng Meycauayan People's Market.

Mayroong 75% na basura sa ilog nito ay galing sa domestic waste dahil sa mga taong nakatira malapit dito at 20% naman dahil sa industrial waste na nagtatapon diretso sa ilog ayon sa ulat ng Brigada sa GMA News TV.

Ayon naman sa aking pagsisiyasat walang suwahe o sewage system na dapat magsasala ng maruming tubig papunta sa ilog na ginawa para rito. Ang maruruming tubig na ito ay galing sa mga kabahayanan at establishimento na nagmula sa mga kanal. Mayroon namang Pilot Septage Treatment Facility sa Meymart Market, Brgy. Zamora, City of Meycauayan, Bulacan. Ngunit ang Brgy Langka ay nangangailangan din ng Sewage Facility upang matigil na ang malalang polusyon sa nasabing ilog.

At dahil magkarugtong ang Meycauayan River at Marilao River, alam niyo ba ang Marilao River ay isang maksaysayang ilog? Naganap dito ang tinatawag na "The Battle of Marilao River" noong March 27, 1899. Ginamit ang ilog na ito nila Hen. Emilio Aguinaldo upang hadlangan ang mga sundalong Amerikano na mahuli siya dahil bumagsak ang gobyerno noon sa kamay ng mga Amerikano.

Nagapi ang mga sundalong Pilipino noon na tinatayang nasa 5 000. Ayon sa Brigada 80 sa kanila ay nagbuwis ng buhay kabilang ang kababaihan at mga bata.


Ang tao ay siyang dapat nangangalaga sa kalikasan dahil dito tayo namumuhay. Magkaroon sana tayo ng pagkakaisa upang mapangalagaan ang ating ilog at maibalik ang ganda nito. tayo rin ang maghihirap kung mawala ang mga ilo aga pa natin ito hangga't hindi pa huli ang lahat.

Ang isang pabrika na katabi ang Meycauayan River.



Maitim na tubig dahil sa industrial waste at burak.


Domestic waste ng mga nakatira sa gilid ng ilog.





Mga basurang palutang-lutang sa Meycauayan River.

Kawalan ng Sewage Facility para sa Brgy. Langka.
Ang mga larawan at video dito ay kuha noong ika-20 ng Nobyembre 2019 malapit sa North Riverside Resort at kinatitirikan mismo ng isinasagawang Langka bridge.

Comments